Sabado, Pebrero 2, 2013

Noon yun! Hightech na ngayon!



Noong unang panahon na wala pang cellphone, gumagamit sila ng dahon at tela na kanilang sinusulatan ng mensahe, hanggang sa nakagawa sila ng papel na  kanilang sulatan meron silang mga mensahero sa syang nagdadala ng mga na kanilang ginagawang sulat. Bawat bayan sa ngayon ay mayroong post office na tumatanggap ng mga sulat at nagpapadala sa bawat address na nasa sulat. Pati ang paggamit ng telepono ay unti unti na ring nawawala.

Sa paglipas ng panahon nakaimbento ang mga tao ng pager at cellphone na ginagamit nila sa pagpapadala ng mensahe at maging sa pagtawag na dati sa telepono lang nila nagagawa.
 
Masasabi natin na eto na nga ang bagong henerasyon ng mga makabagong teknolohiya, katulad din ng ating history na ayon sa mga scientists mayroon tayong "evolution of man" na nagmula tayo sa onggoy hanggang sa lumipas ang panahon ay naging tao. Sa pagkakaroon ng cellphone at ang pagkalat nito sa ibat ibang parti ng ating mundo mas maraming tao ang nakikinabang dito. Nagsimula sa pangtext at pangtawag ang cellphone, habang lumilipas ang panahon mas maraming mga bagay na naiisip ang mga tao kung paano pa nila mapapakinabangan ang paggamit ng cellphone.

Nung bago palang lumabas ang cellphone sa Pilipinas kapag mayroon ka nito iba na ang tingin sayo ng ibang tao kasi bihira palang ang may cellphone sa panahon na yun. Titingin tingin sa cellphone mo na kahit black and white at may antenna pa nga, sa ngayon tinatawanan nalang natin ang mga mayroong ganung cellphone. Dito sa atin sa Pilipinas ang mga tao ay nagpapagandahan ng kanilang mga cellphone.

Isa sa mga patok na gamit teknolohiya ngayon ay ang cellphone. Ito ang isa sa mgamaraming bagay na napapabilis ang mga gawain kapag ginagamit. Marami rin itong modelo namas lalong naghihikayat sa mga kabataan upang bilhin at tangkilikin. Isa sa mga features ngcellphone ay ang usong-usong text messaging. Sa ngayon kasi ito na ang pinaka-mabilis nakomunikasyon. Naipapadala sapamamagitan nito ang lahat ng gusto mong sabihin sa iyongkausap kahit saan at kahit kailan. Ang cellphone din ay mayroon na ngayong multimedia. Nakung saan pati litrato ng mga tao ay pwede na rin maipadala sa kausap nito. Talagang maraminang magagawa ngayon kapag mayroon kang cellphone. Lalo na ngayon na kung anu-ano angmga nauuso na features ng mga lumalabas na mga bagong modelo nito. Nandyan na ang tv phone na kung saan live mong mapapanood ang bawat palabas sa telebisyon. Ang I-Phone nakung saan all in one cellphone na ang gamit.
Mayroong i-pod, internet, at telepono sa iisang modelo. At video phone na kung saan magagamit mo ito na parang video camera. Ito ang mga ilang positibong bagay na naidudulot ng pagkakaroon ng cellphone. Pero mayroon din namang negatibo itong dala sa bawat isa sa atin. Dahil sa hirap ng buhay ngayon, nagiging dahilan o mitsa na ng buhay natin ang cellphone. Marami na kasi ang mandurukot na gagawin ang lahat makuha lang ang kagamitan na ito. Madali kasing mabenta. Isa pa sa mga negatibong bagay ayang pagkasira ng kinabukasan ng mga kabataan. Sa cellphone kasi lagi napupunta ang halos lahat ng oras nila na sana’y sa pag-aaral na lang.  Ginagamit kasi ang cellphone sa hindi mabuting paraan kagaya na lamang ng panliligaw. Madali kasi na paraan ang naidudulot nang paggamit ng cellphone.


Ano ang bunga ng paggamit nito?

Maraming bunga ang cellphone. Mga positibong bunga: 
Nagiging madali ang komunikasyon, ang magsabi ng kanyang nararamdaman para sa isang tao sa pamamagitan ng cellphone (pero para sa akin mabuti iyong sinasabi mo ang iyong nararamdaman para sa taong iyon ng harapan) at madali na ang pakikipag-usap sa gamit ng cellphone sa pammagitan ng text o 'di kaya ay sa pamamgitan ng pagtawag...

Epekto ng cellphone:

Ang epekto ng cellphone pag madalas itong ginagamit ay nakakangawit sa daliri at kamay, nakakasira ng paningin sa mata, wala nang nagagawa sa loob ng bahay, nasisira ang konsentrasyon sa pag-aaral o trabaho, nasisira ang bugdet sa kaka-load at makakasanayang gumamit ng mga maling spelling at grammar. May mga case din na mga naaaksidente dahil sa paggamit ng cellphone habang naglalakad tumatawid sa kabilang kalsada at habang nagdadrive.

"Isipin po natin lage ang ating kaligtasan, gamitin po sa tamang lugar para sa iyong kaligtasan.."


Maaring matuon ang iyong pansin, at ikaw ay "madistract" sa iyong gagawin maraming bunga ang cellphone.
mga positibong bunga:
Nagiging madali ang komunikasyon, magsabi ng kanyang nararamdaman para sa isang tao sa pamamagitan ng cellphone (pero para sa akin mabuti iyong sinasabi mo ang iyong nararamdaman para sa taong iyon ng harapan) at madali na ang pakikipag-usap sa gamit ng cellphone sa pammagitan ng text o 'di kaya ay sa pamamgitan ng pagtawag.

May mga case din na mga naaaksidente dahil sa paggamit ng cellphone habang naglalakad tumatawid sa kabilang kalsada at habang nagdadrive. Isipin po natin lage ang ating kaligtasan

Mga negatibong bunga
Nagiging tamad ang tao, dahil dito nawawalan ng gana ang ibang tao na sumulat sa kanilang mga mahal sa buhay.
Kinakailangan mo ng load para makapagtext o 'di naman kaya ay makatawag na siya namang magastos at nakakbutas ng bulsa. Kailangan mo siyang i-charge at nakakakunsumo ng kuryente kaya madalas tumataas ang babayrin. Kinakailangan niya ng signal para makapgkomunika. Kapag nasira kailangan mo itong ipagawa at 'pag sira na talaga siya na kahit ipinaayos mo na ay hindi pa rin gumagana kinakailangan mong bumili ng bago.
pero kung titingnan natin sa kabilang dako....marami ang nagagawa ng mga makabagong imbensiyon sa panahon natin ngayon....nasa tao na lamang ang pagpapasya sa kung papaanong paraan niiya gagamitin ang mga ito.

   
Ano nga ang mga kahalagahan ng paggamit ng cellphone?
Ang gamit ng cellphone ay depende kung sino or ano ang antas ng buhay mo sa lipunan. Pero dapat ang pinakabasic na purpose nito eh para makagaan sa paggamit sa kanya kanyang activities sa buhay. Dapat palagi gamitin sa ikakabuti ng bawat isa sa atin. Para talaga na serve ang purpose ng pag imbento ngcell phone.
Lahat halos ng tao mayroon na nito..lahat halos ng kabataan magaganda at de-camera pa ang mga gamit..ngunit..kailangan ba natin ang mga ito sa ating pamumuhay..?
maaaring oo, dahil nakakatulong nga naman ito sa atin..maaari rin namang istorbo lang ito at dagdag peligro sa buhay natin..mahirap na yatang mahold-up..hehehe..
maging ako adik sa cp ko..ni hindi mabitawan..ni hindi maiwan..malaglag na ako wag lang yung cp ko..mabasa na ako wag lang yung cp ko..ngunit bakit nga ba ganun tayo..?ganun ba kahalaga ang cp sa atin na maging kapakanan natin kaya nating isugal..??

Karamihan o halos lahat ng mga Pilipino sa ngayon ay gumagamit ng cellphone magmula sa black and white hanggang maging colored digital screen, na mas lalong nageenjoy ang tao sa paggamit ng cellphone. Malaking kapakinabangan para sa ating mga pilipino ang paggamit nito, nag kakaroon tayo ng kumunikasyon sa isa't isa, sa ating mga mahal sa buhay or mga kaibigan na malayo sa atin. 

Habang lumilipas ang panahon lalong naiimprove ngmga tao ang paggawa ng cellphone kung dati text at tawag lang ang nagagawa nito ngayon hindi text at tawag pati ang pag iinternet sa cellphone ay pwede na rin gawin. May mga application  na pweding paglibangan ng mga gumagamit ng cellphone tulad ng mga games at pakikipagchat gamit ang yahoo messenger, facebook, twitter at sa iba pang application na pweding magbrowse.

Maging ang pagkakaroon nobyo o nobya at asawa ng ilan sa ating mga kababayan ay dahil narin sa cellphone ang pakikipagtextmate at callmate nila nakakatagpo sila ng kaligayahan sa buhay. Peron minsan ito din ang nagiging dahilan ng pag aaway, paghihiwalay at ikinapapahamak ng ilan sa atin.
Karamihan sa mga mahal sa buhay ng ating mga kababayan ay nagtatrabaho sa malayo at tanging ang cellphone lang ang kanilang tulay sa komunikasyon. Dahil dito mas napapabilis ang pagkakaunawaan ng bawat isa at maging sa pagpapadala ng pera ito narin ang kanilang ginagamit. Bawat isa sa ating mga Pilipino ito ang hinahangad ang magkaroon ng cellphone pag nakatrabaho, parang may kulang sa ating buhay kung wala ang cellphone, ito ay kasama na sa pang araw araw na buhay ng ating mga kababayan.

Anu na nga ba ang nauuso na cellphone ngayon?
At anu na ang bago dito?
Nokia, Sony Erickon, Samsung, LG, blackberry, iphone, HTC at Marami pang iba na bagong brand na lumalabas sa mga market. Lahat ng cellphone iba’t iba ang hitsura at iba’t iba din ang nilalaman na mga program. Nagkaroon ng cellphone na may camera at memory card na pweding lagyan ng mga video, kanta at picture.

Ang Bluetooth sa cellphone na malaki ang naitutulong sa mga gumagamit nito, pweding magpasa ng mp3 songs, pictures, videos at mga importanting mga files basta nakaopen at magkaconnect pareho ang Bluetooth na ginagamit. Dahil dito mas madali at hindi mahihirapan magdownload ng mga files kailangan lang magconnect ang Bluetooth at magpasa ng files.
Ang touch screen cellphone na bamagat sensitive na gadget ay syang mas popular sa panahong ito, na kahit ang mga gumagawa ng mga imitation nito kuhang kuha nila pati ang itsura nito maliban lang sa nilalaman nito. Magkagayun man patok parin sa mga pinoy kahit alam nila na imitation lang mahalaga nakamura sila at masabi lang na touch screen ang gamit na cellphone.
Ang QWERTY keypad na dati sa computer keyboard lang natin nakikita at nagagamit, mas pinabibilis ang paggamit sa cellphone. Karamihan sa mga Pilipino ginagawa nang libangan ang pagcecellphone , bukod sa pagtetext at pag tawag mayroon narin cellphone na may music player na hindi na kailangan ng mga mp3 player or mp4 player.
Ang pag iinternet sa cellphone ay pwede na rin gawin dahil meron na itong WIFI application or wireless frequency na maaaring magconnect sa internet kapag nasa wifi zone area tulad ng mga mall, public wifi zone at maging sa bahay. Dahil dito mas maraming mga tao ang gumagamit ng cellphone sa pag iinternet kesa sa mga desktop or laptop computer. Ang pagkakaroon ng mga wifi zone sa mga pangpublikong lugar ay malaki ang naitutulong sa mga kababayan natin na hindi kayang magpakabit ng internet connection sa kanilang bahay.

Bakit sa paglipas ng panahon lalo pa nila pinagaganda at pinahihightech ang mga cellphone?

Ang mga tao ay walang kakuntintuhan sa kung anu ang meron sila ngayon, gusto nila meron din sila kung anu ang meron ang iba, nagiging mayabang at mapangmata sa ibang tao. Ganun pa man mas naliliwili ang mga tao sa kung anu ang bago at kung anu ang meron dito ngayon.

Mas naiisip ng mga gumagawa nito kung paano nila matutulungan ang mga tao sa kanilang mga gawain at sa pang araw araw na buhay. Maging sa mga company bawat empleyado binibigyan ng cell phone or inaallowed nila na gumamit para sa mas mabilis na proseso ng kanilang mga gawain at mga emergency meeting.

May mga tao ng kapag breaktime sa trabaho naglilibang sila gamit ang cellphone, mas marami at mga bagong games ang mga inilalagay sa market na pweding idownload ng mga user, para may mapaglibangan at hindi maistress sa trabaho..mas maraming bagay ang nakakaenjoy na gamit sa mga cellphone ngayon. 

Tulad ng Video sa baba na pwede mo makausap ang cell phone kaya nya basahin ang text message at magbigay ng iba pang information.
 


"Gamitin sa wastong paraan ang 

paggamit ng cellphone..."



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento